Ika-125 Anibersaryo ng Pagkabayani ni Dr. Jose Rizal, ginunita sa Jinjiang

2021-12-29 15:03:14  CMG
Share with:

 

Ika-125 Anibersaryo ng Pagkabayani ni Dr. Jose Rizal, gununita sa Jinjiang_fororder_微信图片_20211229150030

Ika-125 Anibersaryo ng Pagkabayani ni Dr. Jose Rizal, gununita sa Jinjiang_fororder_微信图片_20211229150113

 

Ginanap umaga ng Disyembre 29, 2021 sa Rizal Park, Shangguo, lunsod Jinjiang, lalawigang Fujian ng Tsina ang paggunita sa Ika-125 Anibersaryo ng Pagkabayani ni Dr. Jose Rizal.  Pinangunahan nina  Consul General Maria Antonina Mendoza-Oblena at Minister and Consul General  Dinno Oblena ang nasabing aktibidad na kinabilangan ng pagkanta ng pambansang awit at pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Rizal.  Dumalo rin ang mga opisyal ng Jinjiang at Quanzhou, opisyal ng Konsulado Heneral ng Xiaman at mga kaanak ni Rizal mula sa Shangguo Village.

Ika-125 Anibersaryo ng Pagkabayani ni Dr. Jose Rizal, gununita sa Jinjiang_fororder_微信图片_20211229145937

Ika-125 Anibersaryo ng Pagkabayani ni Dr. Jose Rizal, gununita sa Jinjiang_fororder_微信图片_20211229150043

Ika-125 Anibersaryo ng Pagkabayani ni Dr. Jose Rizal, gununita sa Jinjiang_fororder_微信图片_20211229150057

 

Ang ninuno ni Rizal ay tubong Shangguo at nagtungo sa Pilipinas noong huling dako ng 1600s. Ang Rizal Shrine sa Shangguo ay replica ng monumento ni Rizal sa Luneta.  Simbolo ito ng tradisyonal na pagkakaibigan ng mga Tsino at Pilipino, at pagpupugay na rin kay Rizal bilang dakilang inapo ng Pamilyang Ke. Sinimulang itayo ang Rizal Shrine noong 2000, at dumalo si Pangulong Joseph Estrada sa groundbreaking ceremony ng parke. Mula noon marami ng mga opisyal ng Pilipinas ang dumalaw sa naturang  dambana. Ang estatwa ni Rizal ay may taas na 3.3 metro. Samantalang ang monumento ay 18.61 na metro, ang sukat ay kumakatawan sa taon ng kapanganakan ni Rizal. Ang Jose Rizal Shrine sa Tsina ay may saklaw na 5.7 hektarya.  Ito ang pinakamalaking parke sa labas ng Pilipinas na itinayo para bigyang pugay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Matatagpuan ito sa loob ng People’s Cultural Plaza.

 

Ika-125 Anibersaryo ng Pagkabayani ni Dr. Jose Rizal, gununita sa Jinjiang_fororder_微信图片_20211229150135

Ika-125 Anibersaryo ng Pagkabayani ni Dr. Jose Rizal, gununita sa Jinjiang_fororder_微信图片_20211229150519

 

Ulat: Machelle Ramos

Larawan: Martin Mendoza and Reigfred Albello for the Philippine Consulate in Xiamen

Web-edit: Jade 

 
Please select the login method