US$ Isang milyon, kaloob ng Tsina sa Pilipinas

2021-12-22 11:29:12  CMG
Share with:

US$ Isang milyon, kaloob ng Tsina sa Pilipinas_fororder_c3083f3fccaa49d7aabae000ab875f5b-750

 

Napagpasiyahan ngayong araw, Miyerkules, Disyembre 22, 2021 ng pamahalaang Tsino na magkaloob ng USD$1 milyon sa pamahalaang Pilipino bilang pagkatig sa gawaing panaklolo at muling pagtatayo ng mga bahay kaugnay ng pananalasa ng bagyong Odette.

 

Dagdag dito, 4.725 milyong kilong bigas na kaloob ng pamahalaang Tsino ang inihatid o inihahatid sa mga nasalantang lugar.

 

US$ Isang milyon, kaloob ng Tsina sa Pilipinas_fororder_269845413_214416174215824_3848720453330054275_n

US$ Isang milyon, kaloob ng Tsina sa Pilipinas_fororder_微信截图_20211222130009

 

Kasabay nito, 20,000 food packages na nagkakahalaga ng mga 8 milyong piso ang inihanda rin ng pasuguang Tsino sa Pilipinas.

 

Ang bawat package ay naglalaman ng 5 kilong bigas, 10 de-lata, at 10 pakete ng noodles.

 

Ipinapadala na ngayon ang naturang mga package sa Cebu, Leyte, Negros Occidental, Bohol, Cagayan de Oro City, Surigao City, Negros Oriental, at iba pang mga apektadong lugar.

US$ Isang milyon, kaloob ng Tsina sa Pilipinas_fororder_268833775_220772316906895_4014167638273697970_n

US$ Isang milyon, kaloob ng Tsina sa Pilipinas_fororder_268777559_220772293573564_1283059204704725864_n

 

Samantala, ipinaabot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pakikiramay kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas, Martes, Disyembre 21, 2021.

 

Ani Xi, lubos niyang ikinagulat at ikinalungkot ang malaking kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian na dulot ng bagyong Odette, na may international name na Rai.

 

Sa ngalan ng pamahalaan, mga mamamayan ng Tsina at kanyang sarili, ipinahayag ni Xi ang malalim na kalungkutan sa mga nasawi sa sakuna at taos-pusong pakikiramay sa kanilang mga kamag-anakan, at mataimtim na pangungumusta sa mga nasugatan at mga apektadong mamamayan.

 

Nakahanda aniya ang Tsina na damayan at tulungan ang Pilipinas sa abot ng makakaya.

 

Umaasa aniya siyang malalampasan ng mga apektadong Pilipino ang kalamidad at muling maitatayo ang kani-kanilang mga bahay sa lalong madaling panahon.

 

Sa kabilang dako, ipinahayag din ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina ang pakikiramay kay Kalihim Teodoro Locsin ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA) ng Pilipinas. 

 

Salin/Patnugot: Jade

Pulido: Rhio

Larawan: CFP/Pasuguang Tsino sa Pilipinas/DSWD

 

Please select the login method