CMG Komentaryo: Kalayaan ng pamamahayag, hindi kasangkapang pulitikal ng iilang bansa para manggulo sa Hong Kong

2021-12-31 11:46:52  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Kalayaan ng pamamahayag, hindi kasangkapang pulitikal ng iilang bansa para manggulo sa Hong Kong_fororder_20211231komentaryo

Kaugnay ng pagpapatupad ng panig pulisya ng Hong Kong ng batas sa online media company na Stand News kamakailan, patuloy ang paninira ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika sa Tsina batay sa isang pahayag nitong Martes, Disyembre 29, 2021 na nagsasabing ang panig Tsino ay “nakakapinsala sa kalayaan ng pamamahayag ng Hong Kong.”
 

Pagkatapos nito, nakikipagsabwatan sa Amerika ang mga bansang kanluranin na gaya ng Britanya, Kanada at Australia, at muling nakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, sa ngalan ng umano’y “kalayaan ng pamamahayag,” bagay na ibayo pang nagpapatunay ng masamang tangka ng nasabing mga bansa na sirain, kasama ng mga separatista ng Hong Kong, ang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong.
 

Madalas na inilalabas ng Stand News ang maraming ulat na sumusuporta sa karahasan at nang-uupat sa kapootan laban sa mga pulis. Hinding hindi ito normal na gawain ng media, sa halip, ang katangian nito’y organisasyon kontra sa bansa at pamahalaan na sumusuporta sa puwersang kontra Tsina at nanggugulo sa Hong Kong, sa katwiran ng “kalayaan ng pamamahayag.”
 

Ang pag-aresto ng panig pulisya ng Hong Kong sa mga kaukulang tauhan na pinaghihinalaang naglathala ng magasin ng pag-uudyok ay makatarungan at lehitimong aksyon sa pangangalaga sa pambansang katiwasayan at pagtatanggol ng pangangasiwa alinsunod sa batas at kaayusang panlipunan ng Hong Kong.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method