CPI ng Tsina, lumaki ng 1.5% sa Marso

2022-04-11 15:41:46  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina Lunes, Abril 11, 2022, lumaki ng 1.5% ang consumer price index (CPI) ng bansa nitong Marso, 2022 kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

 


Ang nasabing bahagdan ay mas malaki kumpara sa 0.9% lamang ng nagdaang dalawang buwan.

 

Mas mataas din ito kaysa pagtaya ng ekonomista ng Bloomberg na 1.4%.

 


Samantala, lumaki ng 8.3% ang producer price index (PPI) noong Marso, at ito ay bumaba ng 0.5% kumpara sa datos noong Pebrero.

 

Ang bahagdang ito ay lampas din sa pagtaya ng Bloomberg na 8.1%.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio