NHC: 40 libong tauhang medikal, pinakilos para tumulong sa Shanghai

2022-04-12 17:45:14  CMG
Share with:

Ipinahayag ngayong araw, Abril 12, 2022 ni Mi Feng, Tagapagsalita ng National Health Commission (NHC) ng Tsina, na hanggang sa kasalukuyan, ipinadadala ng NHC ang mahigit 40 libong tauhang medikal mula sa 16 ng lalawigan ng Tsina, para pumunta sa Shanghai at tumulong sa paglaban sa lokal na outbreak ng COVID-19.

 

Ayon kay Mi, ipinagkakaloob din ng NHC sa Shanghai ang mga materyal na medikal, para palakasin ang kakayahan sa pagsasagawa ng nucleic acid testing.


Salin: Ernest

Pulido: Mac