2.93 trilyong yuan RMB, halaga ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa kahabaan ng “Belt and Road” sa unang kuwarter ng 2022

2022-04-14 11:25:55  CRI
Share with:

Ayon sa datos na isinapubliko Miyerkules, Abril 13, 2022 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, umabot sa 2.93 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa kahabaan ng “Belt and Road” sa unang kuwarter ng 2022.

 

Ang datos na ito ay katumbas ng mahigit 31% ng kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina, na mas malaki ng 6.1% kumpara sa taong 2013.


Salin: Lito

Pulido: Rhio