Mahigit 200 dokumentong pangkooperasyon ng BRI, nilagdaan ng Tsina kasama ng 147 bansa at 32 organsiasyong pandaigdig

2022-01-19 15:19:24  CMG
Share with:

Isinalaysay kahapon, Enero 18, 2022 ni Tagapagsalita Jin Xiandong ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na hanggang sa kasalukuyan, nilagdaan ng Tsina, kasama ng 147 bansa at 32 organisasyong pandaigdig ang mahigit 200 dokumentong pangkooperasyon ng Belt and Road Initiative.
 

Dagdag niya, walang patid at nananatiling madalas ang takbo ng China-Europe freight train.
 

Hanggang noong katapusan ng nagdaang Disyembre, lampas sa 1,000 ang buwanang freight trips sa pagitan ng Tsina at Europa nitong nakalipas na 20 buwang singkad. Samantala, 15,183 ang kabuuang freight trips sa taong 2021.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method