CMG Komentaryo: Hainan Free Trade Port, saksi sa patuloy na lumalawak na pagbubukas ng Tsina

2022-04-14 16:26:58  CMG
Share with:

Hindi magsasara ang Tsina sa daigdig, sa halip, lalo pang palalawakin ang saklaw ng pagbubukas nito—ito ang solemnang pangako ng Tsina.

 

Nitong nakalipas na 4 na taon, nagsilbing isang modelo ang progreso ng konstruksyon ng Hainan Free Trade Port sa pagpapatupad ng sariling pangako ng Tsina.

 


Nitong Abril 12, 2022, naglakbay-suri si Pangulong Xi Jinping sa Yangpu Economic Development Zone, lunsod Danzhou, Lalawigang Hainan sa timog Tsina, para alamin ang hinggil sa pag-unlad ng naturang sona at konstruksyon ng puwerto ng malayang kalakalan na may katangiang Tsino.

 

Ayon sa datos ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, lumaki sa mahigit 147.6 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Hainan noong 2021, mula mahigit 70.2 bilyong yuan RMB noong 2017.

 

Umabot naman sa 20.4% ang taunang karaniwang paglaki nito.

 

Ipinamamalas ng mga datos ang kasiglahan ng puwerto ng Hainan.

 

Sa kabila ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at mga hamon sa globalisasyon nitong 4 na taong nakaraan, walang humpay na pinasulong ng Tsina ang konstruksyon ng free trade port, ayon sa nakatakdang iskedyul.

 

Kasabay ng pagkakabisa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) noong Enero 1, 2022 sinalubong ng Hainan Free Trade Port ang bagong pagkakataong pangkaunlaran.

 

Tinatayang maibabahagi sa buong daigdig ang mas maraming pagkakataong dulot ng bagong round ng pagbubukas ng Tsina sa mas mataas na antas.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio