Ipinahayag nitong Abril 14, 2022, sa preskon, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hanggang ngayon, walang anumang kapani-paniwalang paliwanag ang Amerika sa biomilitar na aktibidad nito.
Aniya, ayon sa kahilingan ng Biological Weapons Convention (BWC), dapat lutasin ang mga problema sa pamamagitan ng pagsasanggunian at kooperasyon, at walang karapatan ang Amerika na tumangging ipaliwanag ang isyung ito.
Bilang signataryong bansa ng BWC, dapat maging modelo ang Amerika sa pagsunod ng BWC, sa halip ng pagiging eksepsyon, diin ni Zhao.
Hinimok muli ng Tsina ang Amerika na gawain ang komprehensibo at kongretong pagpapaliwanag sa naturang aktibidad na militar, at itigil ang unilateral na pagtutol sa pagtatatag ng multilateral na mekanismo ng pagsusuri.
Salin:Sarah
Pulido:Mac