CMG Komentaryo: Paano ginawang sandata ng Amerika ang karapatang pantao

2022-04-15 16:03:21  CMG
Share with:

Noong Abril 12, 2022, isang 28-taong gulang na buntis, isang 12 taong gulang na bata at mahigit 20 inosenteng pasahero ang naging biktima ng biglang pamamaril sa subway station ng Brooklyn, New York.



Nang araw ring iyon, inilabas ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang "2021 Country Report on Human Rights Practices,” kung saan bumabatikos, tulad ng dati, sa kalagayan ng karapatang pantao ng halos 200 bansa ng daigdig. Pero wala ni isang binanggit tungkol sa kondisyon ng karapatang pantao ng sariling bansa.

 

Sa kabila ng trahedya ng pamamaril sa mga mamamayang Amerikano, may oras ang Amerika na pahalagahan ang karapatang pantao ng mga mamamayan ng ibang bansa. Ang ganitong satirikal na aksyon ay tipikal na modelo ng “pekeng karapatang pantao” at “tunay na hegemonya.”


Sa mata ng mga pulitiko ng Washington, ang karapatang pantao ay hindi lamang pulitika at kasangkapan, ito ay sandata rin.

 

Nitong nakalipas na ilang taon, gamit ang “sandata ng karapatang pantao,” inilunsad ng Amerika ang digmaan sa Iraq, Afghanistan, Syria, at “color revolution” sa Silangang Europa at Balkans, at di-mabilang ang humanitaryang kalamidad na nilikha nito.

 

Sa katunayan, ang pagmamalabis ng Amerika sa karapatang pantao ay nakakasira sa pag-asa ng sangkatauhan, humahadlang sa agos ng panahon, at nagsisilbing tunay na banta ng kasalukuyang daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac