Ulat na nagbubunyag ng bumabangong rasismo kontra Asyano sa Amerika, inilabas

2022-04-15 15:46:37  CMG
Share with:

Inilabas Biyernes, Abril 15, 2022 ng China Society for Human Rights Studies ang isang ulat na nagbubunyag ng bumabangong rasismo kontra Asyano sa Amerika.

 

Tinukoy ng ulat na ipinagmamalaki ng Amerika na kilalanin ang sarili bilang isang bansang White Anglo-Saxon Protestant, may pagtatangi at paglapastangan laban sa mga Asian American, African American, Hispanic at Native American, sa aspekto ng pagtatamasa at pagsasakatuparan ng karapatang pantao.

 

May tatlong bahagi ang nasabing ulat: dinadanas ng mga Asian American ang tumitinding rasistikong atake; nagpapatuloy pa rin ang kasaysayan ng pagtatangi at pagboykot laban sa mga Asian American; at sanhi ng bumabangong rasismo kontra mga Asyano sa background ng coronavirus pandemic.

 


Anang ulat, sa post-pandemic era, kahit posibleng humina ang rasismo ng lipunang Amerikano laban sa mga Asyano, magiging mas matindi ang atakeng panlahi laban sa mga Chinese American, dahil sa manipulasyong pulitikal kontra Tsina ng mga pulitikong Amerikano.

 

Ipinanawagan ng ulat ang tuluy-tuloy na pagbibigay pansin dito ng komunidad ng daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac