CMG at MBC, ipinagdiwang ang 50-taong relasyong diplomatiko ng Tsina at Mauritius

2022-04-16 18:03:43  CMG
Share with:

 

Idinaos kahapon, Abril 15, 2022, ng China Media Group (CMG) at Mauritius Broadcasting Corporation (MBC) ang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 


May  temang “diyalogo, kooperasyon, at kaunlaran,” isinagawa sa online na aktibidad na ito ang pagpirma sa mga dokumentong pangkooperasyon, seremonya ng pagsisimula ng pag-eere ng ilang sikat na programa ng CMG sa Mauritius, at isang porum ng mga kabataan ng dalawang bansa.

 

Layon nitong palakasin ang kooprehensibong kooperasyon ng dalawang media, at pasulungin ang pagkakaibigan ng Tsina at Mauritius.

 


Bumigkas din ng mga talumpati sa aktibidad sina Shen Haixiong, Presidente ng CMG, at Alan Ganoo, Ministrong Panlabas ng Mauritius.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos