Liham ng pagbati, ipinadala ng IOC President sa CMG: taos-pusong pasasalamat, ipinahayag ni Thomas Bach

2022-02-20 14:09:07  CMG
Share with:

Liham ng pagbati, ipinadala ng IOC President sa CMG: taos-pusong pasasalamat, ipinahayag ni Thomas Bach_fororder_20220220Bach640

Kasabay ng pagpipinid ng Beijing Winter Olympics, ipinadala nitong Sabado, Pebrero 19, 2022 ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC), ang liham kay Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG) bilang muling pagbati sa napakalaking tagumpay ng CMG sa pagkober ng Beijing Winter Olympics.

Ipinagdiinan niya na ang natamong napakalaking viewing rate ng Beijing Winter Olympics ay nagpapakita ng lubos na pagkahilig ng mga mamamayang Tsino sa Olympic Winter sports, at malalim na pagkaka-ugat ng palakasan sa mga puso ng mga mamamayang Tsino.

Ani Bach, lubos na pinasasalamatan ng IOC ang ibinibigay na suporta at pagsisikap ng CMG para sa Olympic sports.

Inaasahan ni Bach ang patuloy na pagkokooperasyon ng IOC at CMG upang ipagpatuloy ang pagpapalawak ng impluwensiya ng Olympic sports sa buong mundo.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method