Sangsyon, ipinataw ng Rusya sa mga politikong Britaniko

2022-04-17 14:28:38  CRI
Share with:

Sabado, Abril 16, 2022 ng Ministring Panlabas ng Rusya ang pag-ban sa pagpasok sa bansa ng 13 opisyal Britaniko na kinabibilangan nina Punong Ministro Boris Johnson, Ministrong Panlabas Liz Truss, Ministrong Pandepensa Ben Wallace, at iba pa.


Ipinagdiinan ng panig Ruso na ito ay tugon sa naunang kilos ng panig Britaniko.


Anang ministri, inilunsad ng Britanya ang information warfare at ginagamit ang paraang pulitikal upang pigilin ang mga hakbang ng Rusya at sirain ang kabuhayan nito.


Anito pa, intensyon ng panig Britaniko na gatungan ang krisis sa Ukraine.


Hindi lamang ipinagkakaloob ng Britanya ang mga nakamamatay na sandata sa Ukraine, kundi isinusulong din nito ang pagpapataw ng sangsyon ng ibang bansa laban sa Rusya, diin ng nasabing ministri.


Nauna rito, sa kanyang pagbisita Abril 9 sa Kyiv, ipinahayag ni Punong Ministro Boris Johnson na palalakasin ng Britanya ang sangsyon laban sa Rusya, at ipagkakaloob ang tulong ekonomiko at militar sa Ukraine.


Salin: Lito

Pulido: Rhio