Pahayag ng Rusya: target ng “espesyal aksyong militar” sa Ukraine, matutupad; $USD800 milyong halaga ng sandata, ipagkakaloob ng Amerika sa Ukraine

2022-04-14 16:20:51  CMG
Share with:

Ipinahayag Miyerkules, Abril 13, 2022 ni Maria Zakharova, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Rusya, na hindi hadlang ang banta ng mga bansang kanluranin sa pagpapatupad ng mga target ng “espesyal na aksyong militar” ng Rusya sa Ukraine.


Kasabay nito, sinabi rin niyang nagpapatuloy ang talastasang pangkapayapaan ng dalawang bansa.


Sa kabilang dako, ayon sa pahayag na inilabas sa website ng White House ng Amerika ng araw na iyon, pinagtibay na ng pamahalaang Amerikano ang pagkakaloob ng mga sandata at tulong na panseguridad sa Ukraine na nagkakahalaga ng $USD800 milyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio