Target ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa 2022, pinababa ng WB

2022-04-19 16:23:02  CMG
Share with:

 

Ipinahayag nitong Lunes, Abril 18, 2022 ni David Malpass, Presidente ng World Bank (WB), na pinababa sa 3.2% ang inaasahang target ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa 2022.

 

Ito aniya ay sanhi ng pagtaas ng inflation sa buong daigdig, pagbabago ng kapaligirang painansiyal at sagupaan ng Rusya at Ukraine.

 

Noong nagdaang Enero, ang nasabing target ng WB ay 4.1%.

 

Nang araw ring iyon, sinabi ni Malpass sa pulong ng WB at International Monetary Fund (IMF) na ang pagtaas ng bolyum ng utang at inflation ay dalawang pangunahing hamon na kinakaharap ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

 

Samantala, ikinababahala rin niya ang epekto ng sagupaan ng Rusya at Ukraine sa mga umuunlad na bansa na gaya ng pagtaas ng presyo ng enerhiya at pagkaing-butil.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio