Tsina, pabababain ang reserve requirement ratio bilang pampasigla sa kabuhayan

2022-04-16 18:05:39  CMG
Share with:

Ipinatalastas kahapon, Abril 15, 2022, ng People’s Bank of China, bangko sentral ng Tsina, ang 0.25 percentage point na pagbaba, simula Abril 25, ng reserve requirement ratio, na tumutukoy sa halaga ng mga cash na kailangang ireserba ng mga institusyong pinansyal.

 

Ayon sa bangko sentral, sa pamamagitan ng hakbanging ito, mabibigyan ng 530 bilyong yuan RMB ang long-term liquidity.

 

Ang mga pondong ito ay inaasahang gagamitin para suportahan ang mga industriya at mga maliit, katamtamang-laki, at mikrong negosyong apektado ng pandamiya.

 

Layon din nitong pabutihin ang estruktura ng pondo ng mga institusyong pinansyal, at bawasan ang pangkalahatang gastos sa pagpopondo sa lipunan, ayon pa rin sa bangko sentral.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos