Pangulo ng Ukraine, hindi isusuko ang silangang bahagi ng bansa

2022-04-18 15:40:09  CMG
Share with:

Pangulo ng Ukraine, hindi isusuko ang silangang bahagi ng bansa

 

Ayon sa ulat ng Ukrinform, pambansang ahensya sa pagbabalita ng Ukraine nitong Linggo, Abril 17, 2022, sinabi ni Pangulong Volodymyr Zelensky ng Ukraine na hinding hindi isusuko ng bansa ang teritoryo sa dakong silangan, bilang kapalit sa pagbibigay-wakas sa digmaan nila ng Rusya.

 

Saad ni Zelensky na handang handa na ang tropang Ukrainian para makidigma kontra Rusya sa rehiyon ng Donbas, at ang labanan sa Donbas ay makakaapekto sa tunguhin ng buong digmaan.

 

Dagdag niya, kung may pagkakataon, isasagawa ng panig Ukrainian ang talastasan, pero tinatanggihan nito ang talastasang may “ultimatum” ng panig Ruso.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac