Inilabas Huwebes, Abril 21, 2022 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper hinggil sa mga kabataang Tsino sa bagong panahon.
Ito ang kauna-unahang white paper na nakapokus sa grupo ng mga kabataan.
Komprehensibong inilahad ng dokumento ang magandang kondisyong nilikha ng partido at pamahalaan para sa pag-unlad ng mga kabataan sa bagong panahon at natamong tagumpay sa larangang ito.
Lubos ding ipinaliwanag ng nasabing white paper ang diwa ng mga kabataan sa bagong panahon.
Anito, mahigit 37 milyong studyante sa kanayunan na tumatanggap ng compulsory education ang nakinabang sa student nutrition improvement program, at malinaw na bumuti ang kanilang kalusugan.
Diin ng white paper, binibigyang priyoridad ng bansa ang edukasyon, kaya tinatamasa ng mga kabataang Tsino ang patas na edukasyong may mas mataas na kalidad.
Noong 2021, umabot sa 95.4% ang completion rate ng compulsory education sa Tsina; 91.4% ang gross enrollment rate ng senior secondary education; at 57.8% naman ang gross enrollment rate ng higher education, na may 44.3 milyong estudyante.
Ito ay nangunguna sa buong mundo.
Salin: Vera
Pulido: Rhio