Inihayag ngayong araw, Disyembre 20, 2021 ng tagapagsalita ng Tanggapan ng mga Suliranin ng Hong Kong at Macao na matapos ang halalan ng ika-7 Konsehong Lehislatibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), inilabas ang white paper hinggil sa pag-unlad ng demokrasya ng Hong Kong sa ilalim ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema.”
Aniya, ito ay makakatulong sa mas komprehensibo’t tumpak na pagtasa ng mga tao sa nasabing halalan, at mas komprehensibo’t wastong pagkaunawa sa bentahe ng bagong sistema ng halalan ng Hong Kong at kahalagahan ng pagtatatag ng sistema ng demokrasya na angkop sa sariling aktuwal na kalagayan.
Mahalaga’t malaliman ang kabuluhan ng nasabing white paper para sa ibayo pang pagtitipun-tipon ng komong palagay sa pag-unlad ng demokrasya ng Hong Kong, paglikha ng bagong kayarian ng magandang administrasyon ng Hong Kong, at pagpapasulong sa pangmatagalang pagpapatupad ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” dagdag niya.
Diin ng nasabing tagapagsalita, komprehensibo’t wastong ipapatupad ng pamahalaang sentral ang patakarang “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” at patuloy na kakatigan ang pagpapaunlad ng HKSAR sa sistema ng demokrasya na angkop sa sariling aktuwal na kalagayan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio