White paper hinggil sa progreso at pangangalaga sa karapatan ng parasports ng Tsina, inilabas

2022-03-03 15:32:53  CMG
Share with:

Inilabas ngayong araw, Marso 3, 2022 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Tsina ang white paper na pinamagatang “Parasports ng Tsina: Progreso at Proteksyon sa mga Karapatan."
 

Tinukoy nitong itinuturing na mahalagang bahagi ng pagpapatupad ng mga pambansang estratehiya ng Tsina na gaya ng Fitness-for-All, Healthy China initiative, at pagtatatag ng malakas na bansa sa palakasan ang rehabilitasyon at aktibidad pangkalusugan ng mga may-kapansanan. Masiglang-masigla ang mga pambansang aktibidad na pampalakasan para sa mga may-kapansanan, umuusbong ang winter parasports, at walang humpay na bumubuti ang serbisyo ng rehabilitasyon at aktibidad pampalakasan ng mga may-kapansanan, anang ulat.
 

Diin ng dokumento, ginawa ng Tsina ang ambag para sa international parasports.

White paper hinggil sa progreso at pangangalaga sa karapatan ng parasports ng Tsina, inilabas_fororder_20220303parasports

Komprehensibo itong sumasali sa mga usapin ng international parasports, walang humpay na nagpapalakas ng pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa mga organisasyon ng mga may-kapansanan ng ibang bansa at pandaigdigang organisasyon, at nagpapahigpit ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa na kinabibilangan ng mga may-kapansanan.
 

Anang white paper, ang parasports ay buhay na paglalarawan sa progreso ng usapin ng karapatang pantao ng Tsina.
 

Pinapalaganap nito ang komong pagpapahalaga ng sangkatauhan; pinasusulong ang pagpapalitan, pag-uunawaan, at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba’t-bang nasyon; at ni-aambag ang katalinuhan ng Tsina tungo sa pagbuo ng makatarungan, makatuwiran, lehitimo’t inklusibong kaayusan ng pangangasiwa sa karapatang-pantao ng buong mundo, at pangangalga sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method