Sustenableng pag-unlad ng SCS, isasakatuparan sa pamamagitan ng pagkontrol sa alitan, diyalogo, kooperasyon at magkasamang pangangasiwa

2022-04-22 16:28:18  CMG
Share with:

Ginanap Huwebes, Abril 21, 2022 sa Boao, Lalawigang Hainan ng Tsina ang sub-forum ng taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA), na may temang “Bagong Pananaw at Bagong Paraan ng Sustenableng Pag-unlad ng South China Sea (SCS).”

 

Kalahok dito ang mga dalubhasa’t iskolar mula sa Indonesia, Singapore at Biyetnam, sa pamamagitan ng video link.

 


Sa kanyang talumpati sa sub-forum, inihayag ni Tan Qingsheng, Representative for Boundary and Ocean Affairs ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad ng karagatang ito ay nangangailangan ng sustenableng kapayapaan, kooperasyon at garantiya sa sistema.

 

Aniya, sa kasalukuyan, aktibong pinapasulong ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang negosasyon ng Code of Conduct in the South China Sea (COC), at walang humpay na natatamo ang mga progreso sa ika-2 pagbasa ng mga artikulo.

 

Tinukoy niyang, ang pangangasiwa at pagkontrol sa mga alitan ay mahalagang garantiya sa sustenableng pag-unlad ng South China Sea, ang diyalogo’t kooperasyon ay tanging pagpili at ang magkasamang pangangasiwa naman ay direksyon ng pagsisikap tungkol dito.

 

Pawang inihayag ng mga kalahok na ang kasalukuyang taon ay ika-20 anibersaryo ng paglagda ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), dapat gawing pagkakataon ng Tsina at ASEAN ang okasyong ito, para likhain ang bagong kabanata ng pagtutulungan at pangangasiwa sa South China Sea.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac