Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) nitong Huwebes, Abril 21, 2022, isinumite ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang Global Security Initiative.
Ito ang isa pang pandaigdigang produktong pampubliko na ipinagkaloob ng Tsina, bilang tugon sa pangangailangan ng Asya, maging ng buong mundo.
Ipinagdiinan ng nasabing inisyatiba ang mga pangako sa 6 na aspekto: paggigiit sa komon, komprehensibo, kooperatibo at sustenableng seguridad; paggigiit sa paggalang sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng iba’t ibang bansa; paggigiit sa mga simulain ng Karta ng United Nations (UN); paggigiit sa pagpapahalaga ng makatwirang pagkabahalang panseguridad ng iba’t ibang bansa; paggigiit sa pagresolba sa mga pagkakaiba at alitan ng mga bansa, sa pamamagitan ng diyalogo, negosasyon at mapayapang paraan; at paggigiit sa koordinadong pangangalaga sa seguridad sa kapuwa tradisyonal at di-tradisyonal na larangan.
Sa kalagayan ng pagsiklab ng krisis ng Ukraine na dulot ng walang humpay na ekspansyon ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Silangang Europa, at pagbuo ng Amerika ng mga alyansa at pag-udyok ng ostilong damdamin, nagiging mas mahina at mas mahalaga ang kapayapaan.
Ang inisyatibang ito ay nagpapakita ng tunay na multilateralismo, at nagkakaloob ng garantiya para sa pagbangon ng buong mundo pagkatapos ng pandemiya.
Salin: Vera
Pulido: Mac