Sinagot kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang liham ng mga estudyante ng Francis Holland School ng Britanya kaugnay ng isyu ng pagbabago ng klima.
Tinukoy ni Xi na ang pagbabago ng klima ay komong hamong kinakaharap ng buong sangkatauhan, at dapat magtulungan ang lahat para harapin ang hamong ito.
Diin niya, lubos niyang pinahahalagahan ang pagharap sa pagbabago ng klima, at laging ipinagdidiinan ang ideyang “napakahalagang yaman ng bansa ang kapaligirang ekolohikal.”
Aniya, isinasagawa ng Tsina ang walang katulad na aksyon sa pagharap sa pagbabago ng klima sa kasaysayan, natamo na ang kapansin-pansing bunga, at matatamo rin ang mas malaking progreso.
Winewelkam niya ang mga estudyanteng Britaniko na magpasyal sa Tsina para bumisita sa pinakamalaking wind farm at solar power plant sa daigdig, pinakamalawak na kagubatang artipisyal at magagandang pambansang parke.
Hinimok din niya ang mga estudyante na makipagpalitan ng kuru-kuro sa mga estudyanteng Tsino, at gumawa ng ambag sa berdeng pag-unlad sa hinaharap.
Salin: Vera
Pulido: Mac