WTTC, maganda ang pagtaya sa industriya ng turismo sa buong daigdig

2022-04-22 15:38:19  CMG
Share with:

Ayon sa ulat na inilabas nitong Huwebes, Abril 21, 2022 sa Ika-21 Global Summit ng World Travel and Tourism Council (WTTC), ang industriya ng turismo ay magiging mahalagang puwersa sa pagpapasulong ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig at pagkakaloob ng pagkakataon ng hanap-buhay pagkatapos ng epidemiya ng COVID-19.


Ayon sa ulat, aabot sa 5.8% ang bahagdan ng paglaki ng industriya ng turismo sa buong daigdig sa darating na 10 taon. Samantala, ang industriyang ito ay may pag-asang ipagkakaloob ang halos 126 na milyong karagdagang hanap-buhay.


Ayon pa sa ulat, ang industriya ng turismo ay maaaring magbigay ng halos 77 milyong karagdagang hanap-buhay sa rehiyong Asya-Pasipiko sa darating na 10 taon.


Nang araw ring iyon, binuksan ang nasabing summit sa Metro Manila. Sinabi ni Secretary Bernadette Romulo-Puyat ng Department of Tourism ng Pilipinas, na ang kalusugan at kaligtasan ay pangunahing pagkabahala ng mga turista sa paglalakbay. Kaya aniya pa, pahihigpitin ng pamahalaan ng Pilipinas ang gawain ng pagkontrol at pagpigil ng epidemiya ng COVID-19 sa loob ng bansa para makatulong sa pagbangon ng industriya ng turismo.


Salin: Ernest

Pulido: Mac