Supermarkets sa Shanghai, marami na ang bukas sa mga mamimili

2022-04-23 17:18:47  CMG
Share with:

Kahit marami pa ring komunidad sa Shanghai ang nasa ilalim ng lockdown dahil sa epidemiya ng COVID-19, agad na ibinabalik ng mga malalaking supermarkets at convenience stores sa lunsod ang operasyon kapwa online at offline, para tiyakin ang suplay ng mga pagkain at ibang mga pang-araw-araw na pangangailangan sa mga residente.

 

Ayon sa local media, hanggang noong Huwebes, 775 tindahan ng Lianhua Supermarket Holdings Co., Ltd sa Shanghai ay muling nagbukas, at ang bilang na ito ay katumbas ng 65% ng lahat ng mga tindahan ng naturang kompanya sa Shanghai.

 

Samantala, hanggang noong Miyerkules, pinanumbalik ng halos 60% ng mga tindahan ng Carrefour sa Shanghai ang online service, at may pag-asang lalaki sa 80% hanggang 90% ang proporsiyong ito sa loob ng kasalukuyang linggo.

 

Sapul nang sumiklab ang grabeng outbreak ng COVID-19 sa Shanghai, ipinapatupad ng lunsod ang lockdown. Nitong nakalipas na ilang linggo, nagsara ang mga restawran at supermarket, at nahirapan ng mga residente dahil sa kakulangan ng pang-araw-araw na pangangailangan.

 

Sa kasalukuyan, nakikipagkoordina ang lunsod sa mga pangunahing supermarket para dagdagan ang suplay, at dumarating sa Shanghai ang maraming deliverymen mula sa ibang mga lugar ng bansa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos