Isyung humanitaryan, sinuri ng UNSC; Tsina: agad na tigil-putukan, solusyon sa krisis

2022-04-20 15:30:34  CMG
Share with:

Sinuri nitong Martes, Abril 19, 2022 ng United Nations Security Council (UNSC) ang isyung humanitaryan ng Ukraine.

 

Inihayag ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, ang pagkabahala ng panig Tsino sa matinding kalagayang humanitaryan at iba pang malubhang bunga na dulot ng sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine.

 

Iniharap din niya ang apat na mungkahi ng panig Tsino:

 

Una, dapat puspusang bawasan ang pinsala ng sagupaan sa mga sibilyan.

 

Ika-2, dapat maayos na hawakan ang isyu ng mga refugee.

 

Ika-3, dapat pangkagipitang pasulungin ang talastasang diplomatiko.

 

At ika-4, dapat pahalagahan at alisin ang negatibong epekto ng mga sangsyon.

 

Diin ni Zhang, sa mula’t mula pa’y pumapanig ang Tsina sa kapayapaan at katarungan, at sumusuporta sa mga simulain ng Karta ng UN.

 

Patuloy na gagawin aniya ng Tsina ang walang humpay na pagsisikap para sa pinal na pagresolba sa krisis ng Ukraine.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac