Xi Jinping: Dapat ilagay sa unang pwesto sa mundo ang mga unibersidad na Tsino

2022-04-26 17:57:01  CMG
Share with:

Bumisita nitong Lunes, Abril 25, 2022 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Renmin University of China.


Binati ni Xi ang mga guro at estudyante, hindi lamang ng Renmin University, kundi maging sa buong bansa.


Sinabi ni Xi na ang konstruksyon at edukasyon ng mga unibersidad ay dapat angkop sa katotohanan ng Tsina at maglingkod para sa usapin ng bansa at Nasyong Tsino.


Sinabi rin niyang dapat itatag ang mga unibersidad na may katangiang Tsino sa unang pwesto sa buong daigdig.