Upang ibayo pang mapatibay at mapalawak ang bisa ng paglaban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at maisakatuparan ang hangarin ng zero-COVID sa lipunan sa lalong madaling panahon, ipinahayag Miyerkules, Abril 27, 2022 ng lunsod Shanghai na igigiit nito ang pangkalahatang estratehiyang tinaguriang “unipikadong patnubay, pagsasagawa alinsunod sa iba’t-ibang kalagayan, at kolektibong paghulagpos sa kahirapan.”
Ipinahayag ng Komisyon ng Kalusugan ng Shanghai na sapul nang isagawa ng lunsod ang dynamic zero-COVID policy, patuloy na lumilinaw ang natatamong bisa.
Ngunit, inamin nito na napakahigpit pa rin ng kasalukuyang kalagayan, at nasa masusing panahon ang gawain ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.
Salin: Lito
Pulido: Rhio