Paglabag ng Amerika sa pangako, magdudulot ng bungang hindi nito maisasabalikat - Tsina

2022-04-28 10:38:48  CMG
Share with:

Kaugnay ng pahayag tungkol sa isyu ng Taiwan na inilabas kamakailan ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, sa congressional hearing, ipinahayag Abril 27, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang mahigpit na pagkondena at buong tatag na pagtutol ng panig Tsino.

 




Aniya, ang paglabag ng Amerika sa pangako ay magdudulot ng mapanganib na kalagayan sa Taiwan at magkakaroon ng bungang hindi nito maisasabalikat.

 

Tinukoy ni Wang na maraming beses nang ipinahayag ng lider ng Amerika na hindi susuportahan ang “pagsasarili ng Taiwan,” pero, palagi namang nagbebenta ng sandata ang Amerika sa Taiwan at isinasagawa ang pagpapalitang opisyal sa Taiwan.

 

Ito aniya ay nagpapadala ng maling senyal sa puwersang “nagnanais magsarili ang Taiwan.”

 

Ang pangkalahatang tunguhing historikal ng reunipikasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait ay hindi maaaring hadlangan, saad ni Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio