Publiko sa Beijing, dapat may negatibong NAT bago papasukin sa mga pampublikong lugar at sasakyan simula Mayo 5

2022-04-30 15:13:24  CMG
Share with:

Ipinasiya ngayong araw, Abril 30 ng Pamahalaan ng Beijing na mula Mayo 5, ang publiko ay dapat may negatibong nucleic acid test (NAT) sa loob ng 7 araw para makapasok sa iba’t ibang mga pampublikong lugar at transportasyon.


Bukod dito, ipinatalastas din ng Pamahalan ng Beijing na panahon ng Labor Day holiday mula Abril 30 hanggang May 5, kung papasok ang mga residente sa mga pampublikong lugar na gaya ng hotel at mga lugar na panturista, dapat ipakita ang negatibong nucleic acid test sa loob ng 48 oras.


Pagkatapos ng bakasyon, ang mga tao ay dapat ding magpakita ng negatibong resulta sa loob ng 48 oras para makabalik sa opisina at paaralan.


Libre ang nucleic acid test sa Beijing mula Mayo 3 at dadagdagan ng Beijing ang mga nucleic acid test sites para mapadali ang pagsasagawa nito sa buong lunsod.


Salin: Ernest

Pulido: Mac