Tsina, maigagarantiaya ang matatag na pag-unlad ng kabuhayan

2022-04-30 14:55:51  CMG
Share with:

Kasabay ng pagkontrol sa pagkalat ng epidemiya ng COVID-19, maigagarantiya ng Tsina ang matatag na pag-unlad ng pambansang kabuhayan sa taong 2022.


Pinanguluhan nitong Biyernes, Abril 29, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, para pag-aralan ang kasalukuyang kalagayan at mga gawaing pangkabuhayan.


Ayon sa pulong na ito, kahit kinakaharap ng Tsina ang mga hamon sa pag-unlad ng kabuhayan, dapat isagawa ang mga hakbangin para pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayan, paggarantiya at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.


Hiniling ng pulong na ito na dapat pahigpitin ng Tsina ang macro-control sa kabuhayan; tulungan ang mga industriya at bahay-kalakal na naapektuhan nang malaki ng epidemiya ng COVID-19; likhain ang mas maraming pagkakataon ng hanap-buhay at igarantiya ang kaayusan ng daloy ng suplay sa iba’t ibang lugar ng bansa.


Bukod ito, tinukoy ng pulong na ito na dapat igiit ng Tsina ang pagbubukas sa labas at lutasin ang mga kahirapan ng mga dayuhang bahay-kalakal sa Tsina.


Samantala, pinag-aralan din sa pulong na ito ang gawain ng paghubog at paghikayat ng mga talento para sa bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Mac