Bagong parliamento ng Hungary, nahalal na

2022-05-03 12:14:50  CRI
Share with:

Nahalal nitong Lunes, Mayo 2, 2022 ang bagong parliamento ng Hungary. Muling uupo sa pwesto si Laszlo Kover bilang ispiker ng parliamento.


Samantala, nahalal din ang 6 na pangalawang ispiker.


Isinilang si Kover noong Disyembre ng 1959. Noong 1988, isa siya sa mga tagapagtatag ng governing Fidesz party.


Noong taong 1990, nanungkulan siya bilang mambabatas ng parliamento, at nahalal sa unang pagkakataon bilang ispiker ng parliamento noong Hulyo ng 2010.


Nagtagumpay din siya sa re-eleksyon sa posisyong ito noong 2014 at 2018.


Bukod dito, sa unang sesyon ng bagong tatag na parliamento ng Hungary nang araw ring iyon, opisyal na iminungkahi ni Pangulong Janos Ader ng Hungary ang pagtatalaga kay Viktor Orban, kasalukuyang Punong Ministro, bilang Punong Ministro ng bagong pamahalaan.


Salin: Lito

Pulido: Mac