Iran at Amerika, nagtatalastasan sa pamamagitan ng nakasulat na impormasyon

2022-05-04 12:17:17  CRI
Share with:

Sinabi nitong Martes, Mayo 3, 2022 ni Hossein Amir-Abdollahian, Ministrong Panlabas ng Iran, na sa pamamagitan ng palitan ng nakasulat na impormasyon, nagkakaroon ngayon ang Iran at Amerika ng talastasan tungkol sa pagpapanumbalik ng pagpapatupad ng kasunduang nuklear ng Iran.


Ipinahayag niya na kailangang isagawa ng Amerika ang realistikong atityud at kanselahin ang isinasagawa nitong mga sangsyon laban sa Iran.


Ang pagtamo ng garantiyang pangkabuhayan ay preperensyal na hangarin ng Iran sa talastasan, aniya pa.


Noong Hulyo ng 2015, nagkaroon ng komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran ang Amerika, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina, Alemanya at Iran.


Ayon dito, ipinangako ng Iran na limitahan ang planong nuklear nito. Bilang tugon, inalis ng komunidad ng daigdig ang sangsyon laban sa Iran.


Ngunit noong Mayo ng 2018, unilateral na tumalikod ang Amerika sa nasabing kasunduan, pagkatapos nito’y pinanumbalik at idinagdag ang isang serye ng sangsyon laban sa Iran.


Salin: Lito

Pulido: Mac