Ipinahayag Marso 26, 2022 ni Hossein Amir-Abdollahian, Ministrong Panlabas ng Iran, na malapit nang marating ng iba’t-ibang panig ang kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Subalit ang labis aniyang kahilingan ng Amerika ang nagsisilbing pangunahing hadlang sa pagdating ng kasunduan.
Samantala, inamin niyang mayroon pa ring pagkakaiba sa mahahalagang isyu ang iba’t-ibang may kinalamang panig.
Binigyang-diin ni Hossein Amir-Abdollahian na kung positibo ang Amerika sa talastasan, dapat kanselahin muna nito ang sangsyon sa Iran.
Hindi aniya itatakwil ng kanyang bansa ang mga natamong progreso sa larangang nuklear kung hindi nito matatanggap ang mga matatag at di-mababagong pangako.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio