Iran: ibabalik ang talastasang nuklear sa lalong madaling panahon

2022-04-26 17:32:15  CMG
Share with:


 

Ipinahayag nitong Lunes, Abril 25, 2022 ni Saeed Khatibzadeh, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran, na nasa agenda na ang pagpapanumbalik ng talastasan sa pagitan ng Iran at ibang mga panig na may kinalaman sa komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran.

 

Sinabi niyang kapwa ipinalalagay ng Iran at Unyong Europeo (EU) na ang matagal na paghinto ay hindi nakakatulong sa nasabing talastasan at napapanahon na ang pagpapanumbalik ng talastasan.

 

Pero sinabi niyang hindi pa tiyak ang lugar ng talastasan at antas ng mga dapat dumalo dito.


Salin: Ernest

Pulido: Mac