Situwasyon sa Ukraine, tinalakay ng mga lider ng Rusya at Pransya

2022-05-04 12:12:46  CRI
Share with:

Sa pag-uusap sa telepono nitong Martes, Mayo 3, 2022 nina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya,   nagpalitan sila ng kuru-kuro tungkol sa situwasyon ng Ukraine.


Inilahad ni Putin ang prinsipyo at posisyon ng panig Ruso hinggil sa talastasan ng Rusya at Ukraine. Nananatiling bukas ang atityud ng panig Ruso sa diyalogo ng kapwa panig, diin pa ni Putin.


Ipinahayag naman ni Macron ang kanyang pagkabahala sa paggarantiya ng kaligtasan ng pagkain sa buong daigdig.


Ipinagdiinan ni Putin na ang mga ipinapataw na sangsyon ng mga bansang Kanluranin laban sa Rusya ay pangunahing dahilan na nagpapasalimuot sa isyung ito.


Sinang-ayunan din ng kapwa panig ang pagpapatuloy ng kanilang pag-uugnayan sa iba’t-ibang antas.


Salin: Lito

Pulido: Mac