Tsina, winewelkam sa medyasyon ng UN sa isyu ng Ukraine

2022-04-30 15:07:58  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Biyernes, Abril 29, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na winewelkam ng kanyang bansa anga medyasyon ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, para mapahupa ang tensyon sa kalagayan ng Ukraine at Rusya.


Sinabi niyang palagiang kinakatigan ng Tsina ang patuloy na pagsasagawa ng Ukraine at Rusya ng talastasan at winewelkam ang anumang pagsisikap ng komunidad ng daigdig para sa kapayapaan at talastasan ng isyu ng Ukraine.


Kamakailan, dumalaw si Guterres sa Rusya at Ukraine para pasulungin ang mabisang diyalogo at tigil-putukan ng Rusya at Ukraine.


Ipinahayag ni Zhao na sapul nang sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng naturang dalawang bansa, ang mga negatibong epekto na dulot ng sagupaan ay unti-unting nagbabanta sa mga bansa at rehiyon sa labas ng Europa.


Idiniin ni Zhao na nakahanda ang Tsina na gumanap, kasama ng iba’t ibang panig ng konstruktibong papel para sa kapayapaan ng Ukraine at Rusya.


Salin: Ernest

Pulido: Mac