Sa kanyang panayam sa Forbes magazine kamakailan, sinabi ni Qin Gang, Embahador ng Tsina sa Amerika na bilang mga pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, kailangang magkakapit-bisig na patingkarin ng Tsina at Amerika ang namumunong papel sa pagpapabilis ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Hinimok niya ang Amerika na itigil ang pagsasapulitika ng ugnayang pangkabuhaya’t pangkalakalan ng dalawang bansa, at kanselahin ang nalalabing mga karagdagang taripa sa mga panindang Tsino.
Salin: Vera
Pulido: Mac