Isyu ng Ukraine, sinuri ng UNSC; Tsina nanawagan ng tigil-putukan

2022-05-06 10:53:41  CRI
Share with:

Nitong Huwebes, Mayo 5, 2022 (local time), sinuri ng United Nations Security Council (UNSC) ang isyu ng Ukraine.

 

Ipinahayag ni Zhang Jun, pirmihang kinatawang Tsino sa UN, na nitong nakalipas na higit 2 buwan mula nang sumiklab ang giyera sa pagitan ng Rusya at Ukraine, maraming beses na ipinahayag ng panig Tsino na ang patuloy na digmaan ay dumadagdag sa pagdurusa ng mga mamamayan.

 

Sinabi niya na ang kasalukuyang pinakamahalagang gawain ay pag-ibayuhin ang pagsisikap upang mapasulong ang tigil-putukan.

 

Noong isang linggo, bumisita si António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, sa Rusya at Ukraine para makipagkita sa mga lider ng dalawang bansa. Nanawagan siyang likhain ang mga kondisyon para sa pagkakaroon ng mabisang diyalogo ng dalawang nagsasagupaang panig.

 

Kaugnay nito, ipinaabot ni Zhang ang pasasalamat ng panig Tsino sa ibinibigay na mahalagang papel ni António Guterres.


Salin: Lito

Pulido: Mac