Ayon sa datos na inilabas ngayong araw, Mayo 11, 2022 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika o National Bureau of Statistics (NBS) ng Tsina, ang Consumer Price Index (CPI) ng Tsina nitong Abril ay tumaas ng 2.1% kumpara sa gayon ding panahon ng taong 2021. Ang karaniwang CPI mula Enero hanggang Abril ng taong 2022 ay tumaas ng 1.4% kumpara sa gayung ding panahon ng taong 2021.
Ipinahayag ni Dong Lijuan, Senior Statistician ng NBS, na ang pagtaas ng CPI nitong nagdaang Abril ay sanhi ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa loob ng bansa at pagtaas ng presyo ng international commodities.
Salin: Ernest
Pulido: Mac