Nagpalitan kahapon, Mayo 13, 2022, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Zoran Milanovic ng Croatia, ng mensaheng pambati sa okasyon ng ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Xi, na nitong 30 taong nakalipas, iginigiit ng Tsina at Croatia ang paggalang at pantay-pantay na pakikitungo sa isa’t isa.
Matibay aniya ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, at mabunga ang kanilang kooperasyon sa loob ng balangkas ng Belt and Road.
Ipinahayag ni Xi ang pag-asang isasakatuparan ang mas malaking pag-unlad sa relasyon ng Tsina at Croatia, para magbigay ng benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Milanovic, na sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko, natatamo ng Croatia at Tsina ang kapansin-pansing resulta sa kooperasyon sa iba’t ibang aspekto.
Nananalig aniya siyang ipagpapatuloy ng dalawang bansa ang magkasamang pagsisikap, para palalimin ang partnership, palawakin ang kooperasyon, at pasulungin ang bilateral na relasyon sa bagong antas.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos