Bilateral na relasyon, palalakasin ng Tsina at Croatia

2022-03-23 15:19:50  CMG
Share with:

Bilateral na relasyon, palalakasin ng Tsina at Croatia_fororder_20220323LiZhanshu

 

Sa naka-video na pag-uusap Martes, Marso 22, 2022 nina Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), at Gordan Jandrokovic, Ispiker ng Parliamento ng Croatia, tinukoy ni Li na ang taong 2022 ay ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Croatia.

 

Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Croatia, para pasulungin ang komprehensibong partnership ng dalawang bansa at magdulot ng mas maraming kapakanan sa Tsina at Croatia, at kanilang mga mamamayan.

 

Binigyang-diin ni Li na nananatili ang mapagkaibigang pagpapalagayan ng NPC at Parliamento ng Croatia, kaya naman dapat patuloy na pahigpitin ng dalawang panig ang mga pagpapalitan ng mga karanasan hinggil sa pagbalankas ng batas, lalo na sa mga larangan ng agrikultura, berdeng enerhiya at berdeng ekonomiya.

 

Ipinahayag naman ni Jandrokovic na matatag na iginigiit ng Croatia ang patakarang Isang Tsina.

 

Pinasalamatan din niya ang tulong ng Tsina sa kanyang bansa sa paglaban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Nakahanda aniya ang Croatia na gumanap ng positibong papel sa pagpapasulong ng relasyon sa pagitan ng Tsina at Unyong Europeo (EU).

 

Dagdag niya, mithi ng Parliamento ng Croatia na pahigpitin ang mapagkaibigang pagpapalagayan sa NPC para pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa at pagkaibigan ng kanilang mga mamamayan.

Salin: Ernest

Pulido: Rhio

Please select the login method