CMG Komentaryo: Tsina, nananatiling kaakit-akit na destinasyon ng puhunang dayuhan

2022-05-14 17:52:15  CMG
Share with:

Ayon sa Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula noong Enero hanggang Abril ng taong ito, umabot sa 478.61 bilyong yuan RMB ang halaga ng puhunang dayuhan na aktuwal na ginamit ng buong bansa, na lumaki ng 20.5% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.

 

Ayon pa rin sa estadistika, sa loob ng panahong iyon, 185 ang bilang ng mga bagong malalaking proyekto na may mahigit US$100 milyong na kinontratang halaga ng puhunang dayuhan. Ibig sabihin, naisakatuparan bawat araw sa Tsina ang 1.5 malalaking proyekto ng puhunang dayuhan.

 

Ipinakikita ng mga ito, na ang Tsina ay nananatiling kaakit-akit na destinasyon ng puhunang dayuhan. Salungat ito sa pananalitang di-umanong “umaalis mula sa Tsina ang mga puhunang dayuhan.”


Editor: Liu Kai