Tsina, hinihimok ang lubos na pagbabawal at ganap ng pagsira ng mga sandata ng lansakang paglipol

2022-05-14 17:23:35  CMG
Share with:

Hinihimok ng Tsina ang lubos na pagbabawal at ganap ng pagsira ng mga sandata ng lansakang paglipol, na kinabibilangan ng mga sandatang biyolohikal at kemikal.

 

Winika ito kahapon, Mayo 13, 2022, ni Dai Bing, Charge d'Affaires ng permanenteng misyon ng Tsina sa United Nations (UN), sa pulong ng UN Security Council, kung saan tinalakay ang tungkol sa mga biyolohikal na laboratoryo sa Ukraine.

 

Sinabi rin niyang, kailangang lubos na ikinababahala ng komunidad ng daigdig ang anumang impormasyon tungkol sa mga bakas ng bio-military activity.

 

Sa naturang pulong, muling binanggit ng Rusya ang paglabag ng Amerika sa Biological and Toxin Weapons Convention. Ayon sa pirmihang kinatawan ng Rusya sa UN, nakolekta ng Rusya ang maraming materyal tungkol sa mga may kinalamang aktibidad ng Amerika sa Ukraine, at isusumite ang mga ito sa UNSC.

 

Samantala, pinabulaanan naman ng Amerika ang pagkakaroon o pagsasaoperasyon ng mga laboratoryong kemikal o biyolohikal sa Ukraine.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos