Rusya: Layon ng tulong ng Amerika sa Ukraine na ilunsad ang Proxy War

2022-05-12 14:51:23  CMG
Share with:

Sinabi nitong Miyerkules, Mayo 11, 2022 ni Dmitry Medvedev, Pangalawang Tagapangulo ng Russian Security Council, na binabalak ng Amerikang magkaloob ng malawakang tulong sa Ukraine, at layon nitong patuloy na ilunsad ang Proxy War laban sa Rusya.

 

Sinabi naman nitong Martes sa social media ni Punong Ministro Denys Shmyhal ng Ukraine na inaprobahan nang araw ring iyon ng kanyang gabinete ang paglilipat ng mga ari-arian ng Rusya sa Ukraine sa National Investment Fund.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio