Tsina, tutol sa tangkang paglikha ng mala-NATO na alyansa sa Asya-Pasipiko

2022-05-14 17:20:21  CMG
Share with:

Sinabi kahapon, Mayo 13, 2022, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na tinututulan ng Tsina ang pagpapasulong ng ilang panig ng ekspansyon ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa rehiyong Asya-Pasipiko.

 

Winika ito ni Wang sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kay Ministrong Panlabas Nikos Dendias ng Greece.

 

Sinabi ni Wang, na gamit ang krisis sa Ukraine bilang dahilan, nagtatangka ang ilang panig na likhain ang mala-NATO na alyansa sa Asya-Pasipiko. Ito aniya ay magdudulot lamang ng malaking pinsala sa segurdad na panrehiyon. At ang ideya sa komon, komprehensibo, kooperatibo, at sustenableng seguridad ay susi sa pagsasakatuparan ng pangmatagalang kapayapaan at katatagan, dagdag niya.

 

Ipinahayag din ni Wang ang pag-unawa ng panig Tsino sa pagkabahala ng mga bansang Europeo sa kasalukuyang kalagayan. Patuloy na pinasusulong ng Tsina ang talastasang pangkapayapaan, at sinusuportahan ang lahat ng pagsisikap na makakatulong sa solusyong pulitikal, diin niya.