Ipinatalastas nitong Martes, Abril 5, 2022 ng World Bank (WB) na dahil sa epekto ng sagupaan ng Rusya at Ukraine, pinababa sa 5% ang pagtaya sa paglago ng kabuhayan ng Asya-Pasipiko sa 2022, mula 5.4% na iniharap noong nagdaang Oktubre.
Ayon sa WB, kung magpapatuloy ang nasabing sagupaan, at magiging di-mabisa ang katugong hakbangin ng iba’t-ibang bansa, ilalagay sa 4% ang pagtaya sa paglago ng kabuhayan, na siyang pinakamababang digri.
Salin: Vera
Pulido: Rhio