Finland, desididong mag-aplay ng pagsapi sa NATO

2022-05-16 11:37:04  CRI
Share with:

Sa isang magkasanib na preskong idinaos Linggo, Mayo 15, 2022, ipinatalastas nina Pangulong Sauli Niinistö at Punong Ministro Sanna Marin ng Finland na desidido ang kanilang pamahalaang mag-aplay ng pagsapi sa North Atlantic Treaty Organization (NATO).

 

Makaraang talakayin at aprobahan ng parliamento ng bansa, isusumite sa susunod na linggo ang pormal na aplikasyon ng pagsapi, saad pa ng dalawang lider.


Salin: Lito

Pulido: Rhio