Pandemiya, hindi binago ang matatag na takbo ng kabuhayang Tsino

2022-05-17 15:22:15  CMG
Share with:

Inilabas Lunes, Mayo 16, 2022 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina ang mga datos na may kinalaman sa takbo ng pambansang kabuhayan.

 

Inihayag ni Fu Linghui, Tagapagsalita ng naturang kawanihan, na hindi binago ng pandemiya ang tunguhin ng matatag na takbo ng kabuhayang Tsino, at nananatiling malakas ang kakayahang bumangon ng kabuhayan, malaki ang nakatagong lakas, at malawak ang espasyo ng pag-unlad.

 

Noong Abril, 2.9 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng tingiang benta ng consumer products na panlipunan; 3.2 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas; 110 milyong tonelada ang output ng asero; at 360 milyong tonelada naman ang output ng raw coal.

 

Nananatiling malago ang mga pangunahing indeks ng bansa.

 

Mula noong Enero hanggang Abril, lumaki ng 4% ang added value ng industry above designated size kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, samantalang magkahiwalay na lumago ng 6.8% at 7.9% ang fixed-asset investment at kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas.

 

Tinukoy ni Fu na sa kasalukuyan, nasa mabisang kontrol ang kalagayan ng pandemiya sa mga lugar na gaya ng Jilin at Shanghai, at maayos na sumusulong ang pagpapanumbalik ng trabaho’t produksyon.

 

Aniya, tinatayang bubuti ang takbo ng kabuhayan sa Mayo.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac